Monday, August 3, 2009

Lolo Dency's Day!!!

Sa darating na ika-10 ng Agosto ay ipagdiriwang ng ating kabunyian ang kanyang ika-77 taong kaarawan. Alam niyo ba na siya ang ika-tatlumpu’t isang Arsobispo ng Maynila? Anim na taon na rin siyang nagsisilbi bilang Ama ng ating simbahan dito sa Arkidiyosesis ng Maynila. Siya ang “Ama” ng mga kaparian sa ating simbahan at “Lolo” ng ating pamayanan. Minsan na siyang dumalaw sa ating parokya at nanguna sa misa noong ipinagdiwang natin noong nakaraang taon ang Kapistahan ng Banal na Krus.
“Anumang magaling kahit maliit basta’t malimit ay patungong langit.” Sino ang hindi nakakaalam ng mga katagang ito? Ito ang isa sa mga proyektong naging matagumpay na pinasinayaan ng ating butihing Lolo Dency. Ang dating beinte-singko na hindi natin alintana ay ngayon ay may malaking papel sa pagpapayabong ng mga gawain ng ating simbahan. Wika nga niya noong nakaraang ika-5 anibersaryo ng Pondo ng Pinoy na ang gawaing ito ay hindi lamang basta pag-iimpok ng barya kundi ang paunti-unting pagsusumikap na mabago ang kamalayan at isipan ng mga Pilipino. Ang bawat maliliit na gawang-kabutihan kapag pinagsama-sama ay tiyak na ramdam ng ating kapwa. Mukhang dama ng ating butihing Kardinal na malayo ang mararating ng bawat beinte-singko ng pinoy. Isa pa sa mga napakagandang ibinahagi ng ating Lolo Dency ay ang pagkakaroon ng pananaw. Umusbong sa kanyang panunungkulan ang pahayag-pananaw ng ating Arkidiyosesis bilang sambayanang tinawag ng Diyos Ama kay Hesukristo na may kaganapan ng buhay. Hinihikayat niya tayong pag-aralan at ulit-ulitin ang kahalagahan ng pahayag-pananaw na ito upang ito’y maging bahagi at kaisa ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa darating na kanyang kaarawan, paano kaya niya ulit nais ipagdiwang ito? Matatandaan natin noong nakaraang taon na gusto niyang sa mga bata natin ibigay ang ating mga handog na regalo sa kanyang kaarawan. Ang ating parokya ay nagpakain sa mga bata sa araw ng kaarawan ni Lolo Dency. Ngayon kaya? Paano kaya nais ng ating butihing Kardinal na ipagdiwang natin ang kanyang kaarawan? Kasabay ng pagdiriwang ng simbahan ng taon ng mga Pari nawa ay mag-alay tayo ng mga panalangin at gawaing espiritwal hindi lamang sa ating Lolo kundi sa lahat ng kaparian. Mula sa Parokya ng Banal na Krus, kami ay malugod na bumabati ng maligayang kaarawan sa ating butihing Kardinal, Ama at Lolo ng ating simbahan.

Happy Birthday Lolo Dency!!!


Tuesday, July 28, 2009

Archdiocesan Liturgical Congress: Rewind!






To all Worship Ministers (EMHC, MBG, MGC, MLC & MLM)

Let us come together i nour parish on Friday, 07 August, 6:00 in the evening to pray and reflect how "With Sunday, We Live...".


Wednesday, July 15, 2009

PREX General Assembly

Parish Renewal Experience (PREX)
General Assembly was held
last July 11, 2009 at Carmona Chapel.
Graduates from PREX Class 1 to 20 attended
the gathering. Group from Fatima Parish helped
in making the assembly joyful and hyped by
their music ministry.

Monday, July 13, 2009

"Dalangin ko..."



Marahil marami sa atin ay pamilyar na sa iba’t ibang uri ng patalastas. Nariyang pagkwentuhan natin, pag-usapan, minsan pa nga’y ginagaya natin ang mga ito. Subalit sa dinami-dami man ng mga patalastas, iilan lamang ang siyang tumatatak at nananatili sa ating isipan.
Sa ating henerasyon ngayon, makikitang sikat na sikat ang patalastas ng Ako Mismo, Ako ang Simula at iba pa. Magandang patunay nito ay ang kapansin-pansin na paglaganp ng mga dog tag, stickers, posters, flyers at kung anu-ano pa, ang madalas na usapan ng mga tao ukol dito, at ang pagrami ng mga lumalahok sa mga naturang programa.
Ang mga patalastas na ito ay ilan lamang sa mga patunay na ang bawat isa sa atin ay naghahangad ng maayos, maganda at maunlad na pamumuhay at lipunan. Sa kabila ng mga nararanasan nating problema, gulo at di-pagkakaunawaan sa ating paligid at lipunan, patuloy tayong naghahangad ng kapayapaan at pagkakaisa bilang isang indibidwal o bahagi ng isang pamayanan.
Tayo, bilang isang kristiyano at bahagi ng isang simbahan ay siguradong may magagawa. Ang pinakamatibay nating sandata at makakapitan ay ang panalangin. Ito ang nagbubuklod at nag-uugnay sa ating munting pamayanan. Ikaw, ano ang dalangin mo? Sa iyong sarili? Sa iyong kapwa? Sa iyong pamayanan at bayan?